LAOAG CITY-Nakabalik na ang 26 na pamilya sa mga kani-kanilang bahay sa Brgy. Caruan , Pasuiquin, Ilocos Norte mula sa evacuation center sa Caruan Elem. School.

Ito ang kinumpirma ni Brgy. Chairmen George Ragonjan ng naturang Barangay.
Ayon kay Ragonjan, kaninang umaga bumalik ang mga naturang pamilya dahil sa paghupa ng malakas na ulan sa naturang lugar.

Dagdag pa niya, walang nagreklamo sa mga pamilya habang nakatuloy sa nasabing evacuation center.

Samantala, hindi na namonitor ni Raganjon kung natuloy ang pagdeklara ng “state of calamity” sa naturang baranggay.

Sinabi niya hindi kumpirmado kung kailan ipapaayos ang nasirang “seawall” ng baranggay dahil sa kawalan ng pondong gagamitin.

Inaasahan ng naturang kapitan na magiging kalmado na ang mga kabaranggay niya kapag tuluyan ng tumigil ang sama ng panahon sa naturang lugar.