LAOAG CITY – Inamin ni Mayor Alexander Calucag sa Solsona, Ilocos Norte na labis na naman ang kanyang takot dahil sa pagkamatay ni Marcos mayor Arsenio Agustin matapos pinagbabaril ng hindi pa nakilalang salarin.

Sinabi niya na dahil sa nangyari kay Agustin ay hindi maiwasan ni Calucag na maalala ang pag-ambush sa kanila kung saan namatay ang kanyang police escort.

Dahil dito, sinabi ni Calucag na dapat doble ingat siya ngayon para hindi maulit ang nangyari at hindi mangyari sa kanya ang sinapit ni Mayor Agustin.

Dagdag pa niya na gustuhin man niyang makita sa huling pagkakataon si mayor Agustin ay wala siyang magawa dahil natatakot siyang pumunta sa kanilang bayan.