LAOAG CITY – Labis ang pasasalamat ng isa sa mga regional winners ng Buena Mano Salvo Year 20 Promo matapos maiuwi ang ₱50,000 cash prize, na plano niyang gamitin bilang paunang bayad sa bibilhing lupa.
Ayon kay Vanessa Ballesteros na taga Barangay 1 dito sa lungsod ng Laoag, na malaking tulong ang napanalunang halaga upang makapagsimula sa kanyang planong magkaroon ng sariling lupang mapagtatayuan ng kanilang magiging tahanan.
Aniya, matagal na nilang pinapangarap ang magkaroon ng sariling ari-arian kaya malaking biyaya ang pagkapanalo sa promo ng Bombo Radyo at Star FM kung saan ay 15 na taon na itong patuloy na nagpapasok ng entry.
Hinikayat din niya ang publiko na patuloy na sumali sa mga promo ng Bombo Radyo dahil, aniya, tunay na may pagkakataon ang bawat isa na manalo at makatulong sa pagtupad ng kanilang mga pangarap.
Patuloy namang nagpapasalamat ang winner sa oportunidad na ibinigay ng Buena Mano Salvo Year 20 Promo, na naghatid ng saya at pag-asa sa libo-libong mga kalahok sa buong bansa.












