LAOAG CITY – Lumalabas umano na dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend ang dahilan kung bakit kinitil ang isang musikero ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa bayan ng Badoc, Ilocos Norte.

Nakilala ito na si Jerome Tolentino, 24 taong gulang, isang musician at residente sa Barangay 3, Alogoog sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nang umuwi ang biktima sa kanilang bahay ay may impluwensiya ito ng alak at ipinaalam sa kanyang ina na matutulog na ito sa kanyang kwarto.

Gayunpaman, nang katukin ng ina ang kuwarto ng kanyang anak ay walang sumagot kaya’t sinilip ito.

Laking gulang na lamang ng ina nang nakita nito ang kanyang anak na nakabitin sa kisame gamit ang lubid at wala ng buhay.

Itinakbo pa ang biktima sa Rural Health Unit (RHU) sa nasabing bayan ngunit idineklarang dead on arrival.