Ibinunyag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na naging pangunahing opsyon talaga ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone si Rhenz Abando na makasama sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.Bumili ng Globo

Ayon kay SBP executive Director Erika Dy, na mayroong laging short list na manlalaro si Coach Tim.

Sakaling hindi puwede na makapaglaro ang nasa listahan ay mayroon agad itong mabilis na mahuhugot.

Nanguna si Abando sa listahan nina Cone at mga coaching staff ng Gilas Pilipinas.Bumili ng Globo

Kapalit ni Abando sina Carl Tamayo at Calvin Oftana na hindi makakapaglaro sa torneo na gaganapin sa Malaysia.

Si Tamayo kasi ay mayroong ankle sprain injury habang ang asawa ni Oftana ay nakatakdang manganak na.

Ito ang unang pagkakataon na makakapaglaro ang 28-anyos na si Abando sa ilalim ng pamumuno ni Cone.

Kasalukuyang naglalaro sa Korean Basketball League si Abando kung saan huling naglaro ito kasama ang Gilas Pilipinas ay noong 2023 FIBA World Cup na ginanap sa Pilipinas.