LAOAG CITY – Natanggal sa serbisyo ang ilang mga kasapi ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Ito ang kinumpirma ni P/Supt. Jugith del Prado, deputy provincial director for administration ng Camp Valentin S. Juan sa Police Provincial Office.

Kinilala ang dalawang pulis na sina PO1 Joel Neri ng PNP Banna na may kasong neglect of duty at AWOL at si PO1 Louie Orberta ng Ilocos Norte Police Provincial Safety Company.

Ayon pa kay Del Prado, suspendido rin si C/Insp. Rene dela Cruz Ligutan ng 60 na araw o dalawang buwan dahil sa kasong grave misconduct at dating nakatalaga sa lalawigan ng La Union.

Una nang nasuspinde si C/Insp. Fritz Tabula ng 30 araw o isang buwan.