LAOAG CITY – Umaabot na ng 32 ang kaso ng teenage pregnancy sa lalawigan ng Ilocos Norte sa unang quarter ng taon.

Ito ang kinumpirma ni Mrs. Nelinda Erice, Head ng Gender and Development Office sa lalawigan.

Aniya, ito ay batay sa mga report na isinumite sa kanya ng mga bayan at syudad ng nasabing lalawigan.

Ayon kay Mrs. Erice na ang may pinakamaraming kaso nito ay ang bayan ng Pagudpud , Solsona at San Nicolas habang ang mga ilan ay may isa a dalawa lamang na kaso.

Batay sa obserbasyon ni Mrs. Erice, ang mga dahilan kung bakit dumarami ang kaso nito ay akala ng mga bata ay malalampasan nila ang hirap ng buhay at kulang ang patnubay ng mga magulang dahil nasa malayo silang lugar.