LAOAG CITY – Arestado ang isang tricycle driver sa Ilocos Norte kasunod ng isinagawang buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. 1, Laoag City.

Kinilala ang naaresto na si Alimer Agustin, 48, residente ng Brgy. 21 at isang drug surenduree.

Batay sa ulat, nagbenta si Agustin ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa isang pulis na nagpanggap na asset.

Bukod sa nasabing sachet, na-recover din mula sa nahuling tricycle driver ang isa pang pakete ng pinaghihinalaang shabu, cellphone at P1,000 cash.

Sa ngayon hawak na ng mga pulis ang kustodiya ng suspek at nakatakdang kasuhan.