Nasaksihan nitong buwan ng Setyembre ang bahagyang pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa, ayon sa Philippine Statistics Authority nitong Biyernes, Nobyembre 6.Bumili ng Globo

Ayon sa kasalukuyang tala, naiulat na pumanik sa 5.4% ang unemployment rate noong Setyembre kung saan katumbas nito ang 2.86 milyon mula sa populasyon.

Mas mataas ito nang bahagya sa 5.3% na naitala noong Agosto kung saan tumbas naman nito ang 2.77 milyong Pilipino na walang trabaho.

Samantala, bumaba naman ang underemployment rate sa nasabing buwan kung saan bumagsak naman ito ng bahagya sa 11% na tumbas ng 5.56 milyong Pilipino mula sa 11.9% na naitala noong Agosto.