LAOAG CITY – Idenaklarang dead on arrival ang kasalukuyang Board Member at kakandidato bilang Bise Gobernador dito sa lalawigan ng Ilocos Norte na si Mariano ‘Nonong’ Marcos II matapos natagpuang wala ng malay sa loob ng ‘comfort room’ sa Laoag International Airport dito sa lalawigan.

Ayon sa report, patungo sana si Marcos sa Maynila para bumisita sa kanyang pamilya, kasama si Senior Borad Member Mathew Marcos Manotoc na anak ni Gov. Imee Marcos, ngunit nauna itong pumunta sa airport.

Agad namang dinala sa ospital si Marcos ngunit idineklarang dead on arrival ito bandang alas-9:42 kagabi.

Ang 62-anyos na pulitiko ay isa ring negosyante at anak ni Pacifico Marcos na kapatid ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Si Nonong Marcos ay naunang nagsilbi bilang board member mula 2004-2013 at nahalal muli sa nasabing posisyon noong 2016 at tatakbong bise gobernador ng Ilocos Norte ngayong 2019 midterm electios.